Batay sa United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC), tinukoy na mas mabilis na nakakahawa ng HIV ang paggamit ng injection kumpara sa pakikipagtalik at kapansin-pansin din ang 33% na itinaas sa HIV infections sa mga “people who inject drugs” (PWIDs).
Itinuturo ni Gullas ang pagtaas ng paggamit ng opioid painkillers na isang seryosong hamon para sa kalusugan ng mga taga Central Visayas.
Dahil dito, pinakikilos ng kongresista ang Department of Health at Philippine Drug Enforcement Agency upang solusyunan ang problemang ito.
Sa 2,199 na drug users na nahawaan ng HIV dahil sa paggamit ng kontaminadong injection, 99% dito ay mula sa Central Visayas.