P4.1T proposed national budget walang parking funds – Speaker Cayetano

Siniguro ni House Speaker Alan Peter Cayetano na walang “parking funds” sa P4.1 Trillion 2020 national budget.

Ayon kay Cayetano, hinding hindi nila papayagan sa Kamara na magkaroon ng “parking funds” o iyong mga pondong inilalaan sa mga piling distrito na hindi nalalaman ng kongresistang nakakasakop dito.

Sinabi ng speaker na lalabanan nila ang ganitong uri ng korapsyon at tiniyak na walang takipan at walang pabor na ibibigay sa kahit sinong kongresista.

Tiniyak din nito na walang nakatagong pondo sa budget at paiiralin ang transparency dito.

Sinabi naman ni Acting Budget Sec. Wendel Avisado ang patas na distribusyon ng mga proyekto sa bawat distrito.

Matatandaan na lumutang na may P55 Billion ang isiningit na “parking funds” sa 2019 budget para sa mga pinaburang kongresista.

Read more...