Kaya’t aniya dapat ay pag-aralan munang mabuti ang sinasabing pagbabawal na sa sumisikat na makabagong paraan ng pagsusugal.
Ayon pa kay Lorenzana sa isasagawang assessment kasama ang economic team ng gobyerno at ang PAGCOR ay malalaman kung anong hakbangin ang gagawin sa mg isyung bumabalot sa POGOs.
Dagdag pa ng kalihim malaki naman ang naiaambag din ng POGOs sa ekonomiya ng bansa.
Ngunit bago ito, nagpahayag ng pagkabahala si Lorenzana na nagiging banta na sa pambansang seguridad ang POGOs, na karamihan sa mga empleado ay Chinese nationals.
Ang Cambodia ipinatigil na ang online gambling sa kanilang bansa dahil sa dumadami na rin casino sa kanilang bansa na pag aari ng mga negosyante mula sa China.