Walang outbreak ng ASF – DA

Walang outbreak ng African Swine Fever saanmang panig ng bansa.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), hanggang sa ngayon hindi pa natutukoy ang dahilan ng pagkasawi ng mga alagang baboy sa tatlong barangay sa Rodriguez, Rizal.

Tiniyak naman ni DA Spokesperson Noel Reyes na mahigpit na ang ipinatutupad nilang protocol sa lugar kung saan nagkaroon ng insidente ng pagkamatay ng baboy.

Kabilang sa ipinatupad ang sumusunod na protocol:

– May sakit man o wala ay kinatay na ang mga baboy na nasa loob ng 1-kilometer radius sa lugar na may unang napaulat na nasawing baboy.
– Mahigpit na surveillance sa within 7-kilometer radius
– At agad na pag-uulat ng pagkakasakit o pagkasawi ng baboy sa within 10-kilometer radius

Ipinagbawal na rin muna ng DA ang swill-feeding para maiwasan ang pagkahawa ng iba pang baboy kung mayroon ngang sakit ang iba.

Lahat din ng galaw ng mga live animals at processed meat ay dapat may karampatang veterinary requirements at permits.

Tiniyak naman ng DA na sapat ang suplay ng meat at pork products sa bansa.

Read more...