Ito ay upang suriin ang mga hayop na inilalabas at ipinapasok sa bayan.
Ayon kay Bureau of Animal Industry (BAI) OICE-director, Dr. Ronnie Domingo, haharangin sa checkpoints at susuriin ang mga hayop upang Makita ang kondisyon ng mga ito.
Sa datos ng BAI, umabot na sa mahigit 100 ang nasawing baboy sa bayan ng Rodriguez.
Paglilinaw ni Domingo, hindi pa naman kumpirmadong African Swine Fever nga ang ikinasawi ng mga baboy at hinihintay pa ang resulta sa mga alagang isinailalim sa pagsusuri.
Pinayuhan naman ni Domingo ang mga nag-aalaga ng baboy na iwasan ang pagkatay at pagbenta sa mga alaga nilang nakikitaan nila ng panghihina.
Para naman sa consumers, dapat aniyang tiyakin na ang bibilhing pork products ay dumaan sa pagsusuri ng National Meat Inspection Service (NMIS).