Ayon kay Police Maj. Christian Tores ng Balamban Police, nakita ang wala nang buhay na si Armando Oppus, 34 anyos sa Sitio Buli sa Barangay Cansomoroy, Martes (Aug. 20) ng gabi.
Nakagapos ang biktima, at binalutan ng damit ang kaniyang ulo.
Nakita naman sa kalapit na Barangay Sunog sa Mt. Manunggal ang kotseo ni Oppus.
Si Oppus ay tubong Davao City.
Inaalam pa ngayon ang sanhi ng pagkamatay ng suspek pero hinihinala nang biktima ito ng summary execution.
MOST READ
LATEST STORIES