Sinimulan na ng Philippine Ports Authority (PPA) ang paglalagay ng mga “Gender Neutral Restroom” sa lahat ng mga pantalan sa buong bansa.
Bahagi ito ng pagnanais ng pagnanais nilang itaguyod ang “gender sensitivity and inclusivity.”
Ayon kay PPA General Manager Jay Daniel R. Santiago, inaasahang makukumpleto ang nasabing mga pasilidad bago matapos ang Agosto.
Sinabi ni Santiago na ang nasabing “all-gender restrooms” ay maaaring magamit ng sinumang mga pasahero anuman ang kasarian.
Pero binigyang diin ng opisyal na magiging prayoridad pa rin sa nasabing pasilidad ang mga persons with disabilities (PWDs).
MOST READ
LATEST STORIES