Kasunod ito nang pagsasailalim
sa quarantine sa tatlong barangay sa Rodriguez bunga ng hindi pa matukoy na sakit na pumapatay sa mga baboy.
Ayon kay Rosalito Badilla, meat inspector sa Municipal slaughterhouse, nakatutok sila sa pagkatay pa lang para matiyak na malusog ang mga baboy.
Dagdag pa nito, tinitiyak din nila na nasuri at may tatak ng National Neat Inspection Service o NMIS ang mga kinakatay nilang baboy.
Paliwanag pa ng opisyal kapag mula naman sa ibang bayan ang karne ng baboy dapat ay sertipikado ito ng beterinaryo.
Kung mula naman sa ibang probinsiya ang karne ay kailangan may shipping o transport permit na.
Nauna ng pinulong ng lokal na pamahalaan ang mga hog raisers sa bayan dahil sa pangamba na ang lubhang mapanganib na African Swine Fever ang tumama sa kanilang mga alaga.
Pinangunahan ni Mayor Tom Hernandez pulong kasama sina Dr. Gloria G. Salazar ng Department of Agriculture Region 4A, Dr. Oscar Jhon Caborayan ng Bureau of Animal Industry at si Municipal Agriculturist Anson Go.