Water level ng Angat dam malayo pa sa minimum operating level

Malayo pa sa minimum operating level na 180 meters ang water level ng Angat dam.

Alas 6:00 ng umaga ngayong Miyerkules, Aug. 21 ay nasa 177.43 meters ang water level ng Angat dam.

Bahagya lang ang itinaas nito kumpara sa 177.39 meters kahapon.

Muli namang nabawasan ang water level ng Ipo dam at ng La Mesa dam.

Habang nabawasan din ang water level ng Ambuklao, Binga, Magat at Caliraya.

Habang nadagdagan ang water level ng San Roque at Pantabangan.

Read more...