Pangulong Duterte tahimik pa sa kung sino ang hihiranging bagong SC chief justice – Panelo

Blangko ang palasyo ng Malakanyang kung sino ang itatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang susunod na chief justice kapalit ni Chief Justice Lucas Bersamin na magreretiro sa October 18.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, tanging si Pangulong Duterte lamang ang nakaalam kung sino ang kanyang ipapalit bilang punong mahistrado ng Supreme court.

Hindi maikakakila ayon kay Panelo na palaging inilalapit ng pangulo sa kanyang dibdib ang baraha kung kaya walang nakakikita sa kanyang mga presidential appointee.

Wala aniyang ipinapangako ang pangulo sa Ilokano na si Court Associate Justice Diosdado Peralta na siya na ang susunod na punong mahistrado.

Read more...