Titulo ng bagong James Bond movie inilabas na; mapapanood sa April 2020

‘No Time To Die’ ang titulo ng bagong James Bond film na ipapalabas sa mga sinehan sa April 2020.

Ang bagong James Bond film ay pagbibidahan muli ni Daniel Craig bilang si Agent 007.

Matagal nang inumpisahan ang shooting ng pelikula na nakaranas ng ilang delay dahil sa iba’t ibang problema.

Kabilang na dito ang pagsabog na naganap sa Pinewood Studios noong Hunyo kung saan ginagawa ang shooting.

Bago ito si Craig ay sumailalim din sa minor ankle surgery matapos magtamo ng injury sa shooting sa Jamaica.

Ito na ang magiging ikalimang pagganap ni Craig sa nasabing legendary character.

Ang Oscar winner na si Rami Malek naman ang gaganap na kontra bida sa bagong James Bond.

Read more...