Keanu Reeves muling bibida sa bagong “The Matrix Movie”

Matapos ang 16 na taon, inanunsyo ng Warner Bros. studio ang pagbabalik ng Matrix movie.

Ayon kay studio chairman Toby Emmerich, muling bibida sa ika-apat na “The Matrix” movie si Keanu Reeves bilang si Neo.

Bukod kay Reeves, magbabalik din ang kanyang mga co-star sa tatlong Matrix movie na si Carrie-Anne Moss bilang Trinity.

Ang ika-apat na yugto ng Matrix ay pamamahalaan ni Lana Wachowski.

Ang unang pelikula na pinangunahan ni Reeves ay magse-celebrate ng kanyang ika-20 anibersaryo ngayon taon at bahagi ng selebrasyon ay ang muli nitong pagpapalabas sa mga sinehan.

Ang ikatlo sa serye na “The Matrix Revolutions” ay ipinalabas noong 2003.

Ang The Matrix trilogy ay kumita ng $1.6 bilyon sa worldwide box office.

Read more...