Bagyong Ineng lalakas pa at magiging isang tropical storm sa susunod na mga oras – PAGASA

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang tropical depression Ineng.

Ang bagyong Ineng ay huling namataan ng PAGASA sa layong 975km East ng Virac, Catanduanes

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.

Ayon kay PAGASA weather specialist Meno Mendoza, lalakas pa ang bagyo at magiging isang tropical storm sa susunod na mga oras

Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-Hilaga sa bilis na 10 kilometers bawat oras.
Ayon sa weather bulletin ng PAGASA ang trough ng bagyo ay nagdadala ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Southern Luzon, Visayas at sa Mindanao.

Ngayong araw, dahil sa epekto ng bagyong Ineng, maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan sa Mimaropa, Bicol Region, buong Visayas at malaking bahagi ng Mindanao.

Sa nalalabi namang bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila ay magiging maaliwalas ang panahon at magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap lamang ang papawirin na may isolated na pag-ulan sa hapon o gabi.

Hindi naman inaasahang tatama sa kalupaan ang bagyo.

Bukas maghahatid pa rin ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa BIcol Region ang bagyong Ineng.

Sa Linggo, Aug. 25 ay inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo.

Samantala, apektado pa rin ng Habagat ang extreme northern Luzon.

Read more...