Thunderstorm advisory itinaas ng PAGASA sa Metro Manila mga kalapit na lalawigan

Nagtaas ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Sa abiso ng PAGASA na inilabas alas 5:03 ng umaga ng Miyerkules, Aug. 21, katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan na may pagkulog at pagkidlat at malakas na hangin ang iiral sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite, Laguna, Batangas at Rizal.

Mararanasan ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Payo ng PAGASA sa mga apektadong residente, ang mararanasang malakas na buhos ng ulan ay maaring magdulot ng landslides o flash floods.

Read more...