Lalaki patay sa pamamaril sa Pasay city; kinakasama sugatan

Patay sa pamamaril ang isang lalaki habang sugatan ang live in partner nito sa Pasay City.

Dead on the spot ang lalaking nakilala sa alyas Nick habang sugatan ang kinakasama nitong nakilala sa alyas na Mai Mai.

Ayon sa pulisya, pinagbabaril ang dalawa sa loob ng kanilang bahay.

Nagtamo ang lalaki ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito habang ang babae ay may tama sa kanang balikat.

Nabatid na nasa drugs watchlist ang mag live in partner.

Gantihan ang tinitingnang anggulo ng pulisya sa pamamaril.

 

Read more...