Recto pabor na kailangan ng foreign vessels ng clearance sa pagpasok sa bansa

Sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na tama lang na ipag-utos ni Pangulong Duterte na humingi muna ng clearance ang lahat ng foreign vessels bago sila pumasok sa teritoryo ng bansa.

Aniya kung ang mga jaywalkers ay hinuhuli dapat ay pasunurin sa ating mga batas ang mga sasakyan pandagat na papasok sa ating teritoryo.

Dagdag katuwiran pa ni Recto kung ang mga domestic vessels ay pinagsusumite ng maaga ng kanilang magiging ruta, hindi naman tama aniya na bigyan ng exemption ang barko ng ibang bansa.

Pagdidiin nito, hindi naman imposible ang hinihingi ng Pilipinas kundi respeto lang ayon na rin sa mga international laws.

Hindi na rin nagugustuhan ni Pangulong Duterte ang pagpasok ng survey at military vessels ng China sa loob ng Pilipinas ng walang pahintulot.

 

Read more...