Vice Mayor ng San Andres, Quezon patay sa pamamaril

FB photo

Sinalakay sa loob ng kanyang bahay si San Andres, Quezon Vice Mayor Sergio Emprese at pinagbabaril ito, dahilan ng kanyang pagkamatay Martes ng gabi.

Nasa loob ng kanyang bahay sa isang subdivision si Emprese nang pasukin ito ng nag-iisang suspek.

Ayon sa Quezon Police, tama ng bala ng ulo ang ikinamatay ng bise alkalde.

Nadala pa si Emprese sa ospital pero namatay din ito kalaunan.

Dalawangpung taon na naging mayor ang biktima bago ito naging vice mayor.

Iniimbestigahan ang pagka-kilanlan ng suspek at motibo sa krimen.

 

Read more...