Sedition complaint, kasinungalingan at aksaya ng oras ayon sa isang Obispo

Pinabulaanan ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David ang kasong sedisyon laban sa kanya, kay Bise Presidente Leni Robredo at 30 iba pa na kritikal sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay David, pag-aaksaya lang ng oras at pawang mga kasinungalingan ang mga akusasyon sa kanila na base lamang sa testimonya si Peter Advincula o alyas ‘Bikoy’ na nagpakilalang nasa likod ng ‘Ang Totoong Narcolist’ videos.

Dagdag ni David, pagdating sana aniya ng September 6 ay magkaroon na ng resolution ang kaso upang huwag masayang ang panahon ng lahat sa mga bagay na walang katuturan.

Magugunita na nagsampa ng sedition case and Philippine National Police – Criminal Investigation and Detention Group (PNP-CIDG) sa mahigit 30 katao mula sa gobyerno at pati na sa Simbahang Katolika dahil sa umano’y pagkakasangkot sa planong patalsikin ang pangulo.

 

Read more...