Dagdag na refilling store ng suka, toyo at condiments ilulunsad na

File photo

Dinagsa ng mga mamimili ang kauna-unahang refilling station ng NutriAsia Inc. sa The Mind Museum sa Bonifacio Global City sa Taguig City.

Ang “Bring Your Own Bottle (BYOB) pop-up store ay bilang tugon sa panawagan ng Department of Environment na zero-waste community lalo na sa mga kalat na gawa sa plastic materials.

Sa pamamagitan ng mga BYOB stores ay hinihikayat ang mga consumer na magdala ng malinis na mga lalagyan sa susunod na pagbili nila ng mga produktong gamit sa pagluluto.

Kinabibilangan ito ng Datu Puti Vinegar, Datu Puti Toyo, UFC Banana Catsup, Golden Fiesta Cooking oil at iba pang produkto ng NutriAsia Inc.

Bukod sa mabibili ang mga nasabing produkto sa mas murang halaga sa mga BYOB Stores ay makakatulong pa ito sa pagbabawas sa paggamit ng mga plastic containers sa mga pamilihan.

Mabibili rin sa mga BYOB Stores na may 40-percent discounts ang mga Locally blended juice drinks.

Ang BYOB Stores ay inilunsad bilang pagtalima sa pagsusulong ng Environment Management Bureau ng pagbabawas sa paggamit ng mga plastic materials lalo na sa mga food products.

Bahagi rin ng kita sa mga BYOB stores ay nakalaan sa pagbili ng ilang school chairs sa mga piling pampublikong paaralan sa bansa.

Read more...