Barangay chairman patay sa pamamaril sa Northern Samar

File photo

Nasawi ang isang barangay chairman matapos pagbabarilin sa tapat mismo ng kanyang bahay sa Barangay Rombang, Laoang, Northern Samar.

Kinilala ang biktima Nansi Carmelito Baluyot, 51-ayons at kasalukuyang barangay captain sa lugar.

Kuwento ng mga saksi, pasado alas-sais kagabi nang may dalawang lalaking naka-bonnet na tumigil sa tapat ng tindahan ni Baluyot at nagtanong kung may tinda ba siyang gasolina.

Nang mapansin na si Baluyot ang kanilang kausap, agad na bumunot ng baril ang mga suspek at tinadtad ng tama ng bala ang biktima.

Sa dibdib at ulo tinamaan si Baluyot.

Read more...