Bilang patunay ay sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na malaki ang posibilidad na ang nasabing isyu ang ibubungad ng pangulo sa kanyang pakikipag-pulong kay Chinese President Xi Jinping.
Malinaw umano sa pangulo kung ano ang dapat gawin ng chief executive lalo na sa nabistong pagpasok sa bansa ng ilang Chinese war ships sa nakalipas na mga araw.
Nauna nang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi nagpaalam ang ilang war ships ng China nang dumaan ang mga ito Sibutu Strait malapit sa lalawigan ng Tawi-Tawi nang makailang beses.
Inaasahan ring tatalakayin sa nasabing pulong ang usapin ng pagdami ng Philippine offshore gaming operations (POGO).
Kabilang rin dito ang usapin na posibleng bahagi ng pang-eespiya ng China ang pagpasok ng mga Chinese POGO workers sa bansa.