Mga pulis na bantay ng mga guro sa Patikul, Sulu sugatan sa pamamaril ng Abu Sayyaf

Inquirer file photo

Sugatan ang dalawang pulis sa engkwentro sa Patikul, Sulu Lunes ng umaga.

Batay sa ulat ng pulisya, inatake ng mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang mga pulis na nagbabantay sa mga guro na nakatalaga sa nasabing bayan.

Dahil dito, nagtamo ng tama ng bala ang mga biktima na sina Cpl. Angelo Canapi at Patrolman Nijar Awwalon.

Agad isinugod ang dalawa sa Integrated Provincial Health Office para mabigyan ng lunas.

Ang dalawa ay kapwa mula sa 2nd Provincial Mobile Force Coy ng Sulu Police Provincial Office.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa pag-atake.

Read more...