Ayon kay House Committee on Appropriations chairman Rep. Isidro Ungab mula Lunes hanggang Biyernes simula Agosto 22 ,2019 ang gagawin nilang hearing .
Bukas, Agosto 20, ay inaasahang isusumite ni Acting Department of Budget and Management (DBM)Secretary Wendel Avisado ang National Expenditure Program o NEP kay House Speaker Alan Peter Cayetano .
Ayon kay Ungab, gagawin nila ang lahat para maaprubahan sa takdang oras ang 2020 national budget at magawa nila ang mandato ng kongreso na mabusisi ang pambansang pondo at masiguro na bawat piso na kanilang ilalaan ay magagamit sa paglago ng ekonomiya.
Inaasahan naman ng komite na matatapos ang budget hering sa ikalawang linggo ng Setyembre at masisimulan ang plenary deliberations sa sandaling maaprubahan ang komite report nito.
Target naman na maaprubahan ang General Appropriations Bill sa Oktubre 4 bago ang break ng kongreso.
Kapag naipasa naman bukas ng DBM ang NEP ay sisimulan na ng komite sa biyernes ang pag review ng budget proposals ng PHilippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Philippine Amusement an Gaming Corporation o PAGCOR.