Gayunman ay ipinaliwanag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na kung sakaling ideklara ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng iba pang security officials na kontrolado na ang rebellion duon ay nangangahulugan na wala ng
dahilan para magpatuloy na nakailalim ito sa batas militar.
Inilabas ng DoJ ang reaksyon makaraang sinabi ni Senator Bong Go na ipinauubaya na niya sa local at national government ang pagdedesisyon kung dapat nang bawiin ang martial law.
Nakatakdang magtapos ang bisa ng martial law sa December 31 ng taong kasalukuyan matapos kinatigan ng korte suprema ang pagpapalawig nito ng tatlong ulit dahil sa paniwalang hindi pa natigil ang rebelyon at terorismo sa Mindanao.