Pagcor nagpatupad ng moratorium sa POGO

Photo by: Eric Balcos

Inanunsiyo ngayon ni Pagcor Chairman and CEO Andrea Domingo na hindi muna magpapalabas ng lisensiya para mag-operate ng Philippine offshore gaming operators.

Sa Report to the Nation forum ng National Press Club, sinabi ni Domingo na tatagal ang moratorium hanggang sa katapusan ng taon.

Ito aniya ay upang na-review ang mga existing contracts ng POGO gaya ng employment na umaabot and security na kanila na ring nasimulan tatlong linggo na ang nakaraan.

Kailangan aniyang mamonitor ang employment na sa datos ng ahensya ay umaabot na sa 130,000.

Nabatid ngayong taon ay umaabot na sa apat na bilyong piso ang nakolekta sa POGO operations at target ng Pagcor na makakulekta ng walong bilyong puso, ang mas mataas pang koleksiyon sa pamamagitan ng epektibo at episyenteng pangungulekta.

Una rito ay nilinaw ni Domingo, na dinatnan na lamang niya ang POGO na matagal na aniyang nag-o-operate bago siya naitalagang pinuno ng Pagcor.

Read more...