Ayon kay Recto maapektuhan ang suplay ng pagkain at kita ng mga magsasaka kapag hindi naisaayos ang mga proyekto ng National Irrigation Administration.
Aniya napakahalaga na maimbestigahan ang mga dahilan ng hindi maayos na pagpapatupad ng mga proyekto.
Binanggit ni Recto na mula 2009 hanggang ngayon taon higit sa P250 billion ang inilaan para sa mga irrigation projects.
Pinansin nito na sa nabanggit na panahon, tumaas lang ng higit isang porsyento ang pagpapatupad ng mga proyekto sa irigasyon.
Sinabi pa nito na noon 2014, 214 irrigation projects na may kabuuang halaga na P5.43 billion ang naantala gayundin ang $100 million foreign assisted projects.
Tumaas pa ito sa 183 projects noon 2015 at nang sumunod na taon ay 82 proyekto at 25 kontrata na nagkakahalaga ng P10 bilyon ang naapektuhan.
Lumobo pa sa 436 ang bilang ng mga naantalang proyekto at kontrata ang naapektuhan at noong nakaraang taon naman ay 299.
Umaasa si Recto na sa pag iimbestiga ng Senado ay masosolusyunan ang mga isyu sa NIA.