Mga Filipino crew kasama sa 17 dinukot ng armadong grupo sa Cameroon

Ilang Filipino crew mula sa dalawang barko ang kasama sa mga dinukot ng armadong grupo sa Cameroon.

Nasa 17 tripulante ang tinangay ng hindi pa matukoy na grupo mula sa isang Greek owned ship at isang German owned ship noong Huwebes sa karagatan malapit sa syudad ng Douala.

Ayon sa ulat, nasa 9 na Filipino crew ang mula sa Greek owned bulk carrier habang nasa 8 tripulante na kinabibilangan 3 Russians, 4 na Filipino at isang Ukrainian ang mula sa German owned ship.

Una nang kinumpirma ng International Maritime Bureau sa Kuala Lumpur ang pag-atake sa 2 barko at pagdukot sa mga crew bagamat hindi tiniyak ng ahensya ang nationality ng mga biktima.

Kasabay nito, muling nagbabala ang IMB sa mga barkong dadaan sa Douala dahil sa insidente ng pag-atake ng mga rebelde.

Read more...