Kasama ang kanilang mga magulang, daan-daan sanggol at mga bata na may edad hanggang lima ang binigyan ng oral anti-polio vaccine.
Ang aktibidad sa Del Paso covered court ay bahagi ng synchronized vaccination na may temang ” Olats ang Polio sa Maynila” na dinaluhan nina Manila Mayor Isko Moreno, Health Usec. Eric Domingo, DOH Dir. Eric Tayag at mga kinatawan ng UNICEF at World Health Organization o WHO at bahagi ng “Sabayang Patak kontra Polio” campaign.
Nagpaalala si Domingo ang pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran sa eskwelahan, bahay, komunidad maging sa pangangatawan.
Aminado ang opisyal na bagamat taon 2000 pa nang ideklarang polio free na ang Pilipinas, may mga lugar sa bansa na itinuturing pa rin na ‘high risk’ sa usapin ng naturang sakit.
Binanggit din ni Domingo na ngayon target nila na mabigyan ng anti polio vaccine ang 196,000 sanggol at batang hanggang limang taong gulang.