Ayon sa militanteng labor group, ang isang Anti-Subversion Law ay magbibigay ng legal na batayan sa ginagawa nang pagtugis ng gobyerno sa mga aktibista at kritiko nito.
Ayon kay Elmer “Ka Bong” Labog, tagapangulo ng KMU, kahit ang mga lehitimong panawagan para sa sahod at trabaho ng mga unyon ng manggagawa, ay maaaring supilin basta’t matatakan lamang ang unyon o organisasyon na subersibo o may ugnayan sa Partido Komunista.
Nanindigan ang KMU na ang isang Anti-Subversion Law ay mapanupil, taliwas sa demokrasya at labag sa Konstitusyon.
Sa panukalang Anti-Subversion Law, itinuturing na ilegal ang pagsapi sa Partido Komunista at pati na rin ang mga “associates” o kaugnayang organisasyon at indibidwal nito.