Bangkay ng 16-anyos na atleta na tumalon sa Marcelo Fernan Bridge sa Cebu natagpuan na

Natagpuan na ang bangkay ng 16-anyos na Junior High school student ng Sacred Heart School-Ateneo de Cebu.

Ang mga labi ni Joseph Durano Lumapas ay nakitang lumulutang sa karagatang sakop ng Barangay Opao, Mandaue City bandang alas-11:00 linggo ng umaga.

Si Lumapas ay sinasabing nagpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa Marcelo Fernan Bridge alas-2:00 ng madaling araw noong linggo.

Huli siyang nakita sa Banilad Town Center sa Cebu City noong sabado August 17.

Ang bangkay ni Lumapas ay kinilala ng kanyang football coach na si Julius Tapia at ng kanyang pamilya.

Hindi ito ang unang pagkakataon na may tumalon sa nasabing tulay para magpakamatay.

Noong Hulyo 23, isang 16-anyos na babae ang tumalon din sa nasabing tulay dahil umano sa problema sa pamilya.

Samantala, nagtalaga na ng mobile patrol team sa lugar para matiyak na hindi na mauulit ang kaparehong insidente.

Read more...