Number coding suspendido sa Quezon City ngayong Lunes, August 19

INQUIRER file photo

Suspendido ang number coding sa Quezon City ngayong Lunes, August 19 ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa reply sa tanong ng netizens sa kanilang official Twitter account, inanunsyo ng MMDA ang lifting ng number coding.

Ito ay para sa paggunita ng birth anniversary ni dating Pangulong Manuel Luis Quezon na isang non-working holiday sa lungsod.

Samantala, epektibo pa rin ang number coding scheme sa mga bahagi ng EDSA at C5 na nasa loob ng Quezon City ayon sa MMDA.

Read more...