Batay sa ulat ng pulisya, naaresto si Arnly Dimabuyu o mas kilala bilang Xander Bay, 21-anyos, sa harap ng isang bar sa lugar.
Positibong nakabili ng ecstasy at marijuana kay Dimabuyu ang isang pulis na nagsilbing poseur buyer sa operasyon.
Nakuha kay Dimabuyu ang siyam na piraso ng pink ecstasy at isang pakete ng pinatuyong dahon ng marijuana.
Nagkakahalaga ang nakuhang pink ecstasy ng P15,900.
Mahaharap si Dimabuyu sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
MOST READ
LATEST STORIES