Ilang kumpanya ng langis, magpapatupad ng taas-presyo sa Martes

Nag-anunsiyo na ang ilang kumpanya ng langis ng pagkakaroon ng taas-presyo sa kanilang mga produkto.

Sa abiso ng Chevron Philippines Incorporated (Caltex) at Petro Gazz, nasa P0.50 ang dagdag sa kada litro ng gasolina habang P0.75 naman sa kada litro ng diesel.

Nasa P0.50 naman ang taas-presyo sa kada litro ng kerosene o gaas ng Caltex.

Samantala, sa Shell naman, magiging P0.60 ang dagdag sa kada litro ng diesel, P0.35 sa kada litro ng gasolina habang P0.45 naman sa kada litro ng kerosene o gaas.

Epektibo ang oil price adjustment sa Chervon bandang 12:01, Martes ng madaling-araw (August 20) habang 6:00, Martes ng umaga, sa Petro Gazz at Shell.

Read more...