Nasa 20 miyembro ng armadong grupo ang nakaengkwentro ng militar sa bahagi ng Baranagy Karkum dakong 9:50 ng umaga.
Tumagal ng 35 minuto ang bakbakan sa pagitan ng militar at armadong grupo.
Ayon kay Lt. Col. Rolando Orengo, commander ng 5th Mechanized Battalion, walang nasugatan sa mga sundalo.
Hindi naman tiyak ang bilang ng mga nasugatan sa panig ng armadong grupo base sa mga nakitang dugo matapos ang bakbakan.
Hinikayat naman ni Brig. Gen. Ezra James Enriquez, commander ng 2nd Mechanized Infantry Brigade, ang mga nasugatan sa armadong grupo na sumuko na para mabigyan ng tulong-medikal.
Hinikayat din nito ang mga residente sa lugar na i-report sa mga otoridad sakaling magkaroon ng presensya ng mga armadong grupo sa kanilang komunidad.
Narekober sa pinangyarihan ng bakbakan ang isang M14, isang M16, dalawang Garrand rifle, isang rifle grenade, ilang magazine at bala.