Antas ng tubig sa Angat Dam, malapit na sa 180-meter minimum operating level

Photo credit: PAGASA Hydrology Division/Twitter

Muling nadagdagan ang antas ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa PAGASA Hydrology Division, umabot na ang water level ng Angat Dam sa 177.54 meters bandang 6:00 ng umaga.

Higit tatlong metro na lang ang layo nito sa 180-meter minimum operating level.

Nadagdagan din nang bahagya ang antas ng tubig sa La Mesa, Ambuklao, Binga at San Roque Dam.

Samantala, nabawasan naman ang water level sa Ipo, Pantabangan, Magat at Caliraya Dam.

Read more...