LOOK: Ilang biyahe sa NAIA, kinansela ngayong araw (Aug.18)

Photo grab from @MIAAgovPh/Facebook

Kanselado ang ilang biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), araw ng Linggo (August 18).

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), ito ay bunsod ng nararanasang sama ng panahon sa destinasyon.

Sa NAIA Terminal 4, kinansela ang Skyjet flight M8 816 at 817 na biyahe Manila – Basco – Manila.

Pinayuhan naman ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng pamasahe.

Read more...