63 patay 182 sugatan sa suicide bombing sa isang kasal sa Afghanistan

Umabot sa 63 katao ang nasawi sa suicide bombing sa Kabul, Afghanistan araw ng Sabado.

Batay sa ulat, sinabi ni Nusrat Rahimi, tagapagsalita ng Interior Ministry na 182 na sibilyan ang nasugatan sa pag-atake sa isang kasal sa western Kabul.

Karamihan sa mga nakatira sa nasabing lugar ay mula sa Shiite Muslim Hazara community.

Kinondena ng Taliban ang pag-atake at itinanggi ang pagkakasangkot dito.

Ang nasabing insidente ay maituturing na pinakamatinding pag-atake na naganap ngayong taon.

Read more...