Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Cardema na durog na durog na ang kanilang hanay dahil sa panggigipit ni Guanzon.
Masyado na aniyang dehado ang kanilang hanay dahil sa hindi sila makapalag sa pangambang makasuhan ng juris prudence dahil nakabinbin pa ang kaso ng akreditasyon ng Duterte Youth Partylist Group.
Halata aniyang hindi na makasagot ng diretso si Guanzon sa kanyang alegasyon.
Sinabi pa ni Cardema na naka screenshot ang mga ipinadalang mensahe ni Guanzon sa cellphone.
Nagwawala at galit na galit na aniya si Guanzon dahil ito na ang kanyang huling eleksyon at magrertiro na sa Comelec.
Sinabi pa ni Cardema na may mga hiningi ring pabor si Guanzon gaya ng pagtatalaga ng kanyang mga tauhan sa ibat ibang posisyon sa pamahalaan subalit hindi napagbigyan.