Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año, ginagamit lang sila ng mga
lider ng CPP-NPA-NDF sa mga walang katuturan na adbokasiya upang pabagsakin ang gobyerno sa pamamagitan ng armadong pakikibaka.
Aniya, sa pagbabalik nila sa kanilang mga pamilya, nakatitiyak sila na hindi sila pababayaan ng pamahalaan.
Sabi ni Año na kinakailangan ang mga batas ng bansa para wakasan ang aktibong pag-rerecruit ng Komunista ng mga kasapi sa mga paaralan, pabrika, at sa mga magsasaka.
Matatandaan, sa isang pagdining sa senado, emosyonal na inilahad ni ‘Alem’ isang dating miyembro ng mga rebeldeng grupo ang kanyang masamang karansan sa kamay ng mga rebeldeng grupo at kalaunan ay pinabayaan din siya.
Inihayad din ni ‘Alem’ na wala siyang natanggap na kahit anong tulong mula sa mga inakala niyang “kasama” noong siya ay malapit nang magsilang ng kanyang anak.
Pahayag ni Año na ang kwento ni ‘Alem’ ay nagpapatunay lamang ng panlilinlang at kasinungalingan ng NPA.