DFA, magsasagawa ng upgrade sa Ph ePassport system

DFA photo

Nagpaalala sa publiko ang Department of Foreign Affairs (DFA) ukol sa kanilang isasagawang upgrade sa Philippine ePassport system.

Paliwanag ng DFA, layon ng system upgrade na mapagbuti ang seguridad at integridad ng ePassport system.

Sa inilabas na abiso, sinabi ng kagawaran na magreresulta ito sa pagkakaroon ng adjustment sa passport delivery at release schedules.

Mula sa 12 working days, magiging 15 working days na ang kailangang hintayin para sa pagpoproseso ng pasaporte sa lahat ng consular office sa bansa.

Samantala, ang expedited processing ay aabutin na ng 8 working days sa DFA ASEANA at COs sa National Capital Region (NCR).

Magiging 10 working days naman ang COs sa labas ng NCR.

Inaasahang makukumpleto ang system upgrade sa September 2019.

Oras na makumpleto ang system upgrade, maibabalik na sa normal ang operasyon nito.

Humingi naman ng paumahin at pang-unawa ang kagawaran sa publiko.

Read more...