1,800 ng iba’t ibang klase ng seedlings pinamahagi ng DA Bicol sa mga magsasaka

INQUIRER FILE

Nakatanggap ng 1,800 ng iba’t ibang klase ng mga panamin ang mga magsasaka ng Canaman Camarines Sur sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA) Bicol.

Ayon kay DA Bicol OIC Regional Executive Director Rodel P. Tornilla, umabot ng 300 na mga magsasaka ang nakabenepisyo sa nasabing mga pananim na mga miyembro ng Tabang Bikol Movement.

Aniya, sa 1,800 na mga pananim ang 1,000 piraso ay Pili seedlings, 500 piraso ang cacao, at 300 ang mga vegetable seeds.

Sabi ni Tornilla na ang Pili at Cacao ay ang kanilang pangunahing produkto gaya ng Pili oil at chocolate na may malaking demand dito sa bansa at sa abroad.

Pahayag pa niya na ang ganitong programa ay ilan lang sa kanilang inisyatibo para sundin ang utos ni DA secertary William Dar na tulungan ang mga magsasaka na tumaas pa ang kanilang kita sa susunod na tatlong taon sa pamamagitan ng pagtanim ng iba’t ibang klasi ng mga pananim.

Ang pamamahagi ng mga pananim ng DA Bicol ay ginawa sa Mariners Polytechnic Colleges sa Baras, Canaman.

Pumirma rin ng kasuduan ang DA Bicol at ang Tabang Bikol Movement; Philippine Coast Guard Authority, Magarao People’s Council, Pili Peoples Council, People’s Organization of Disaster Survivors (PODIS), Ilaw ng Kababaihan sa Canaman, Irayangsolong Agriculture Coop at Isarog Garden Society.

Read more...