Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, na walang pakialam ang palasyo sa ginagawa ni Cardema lalo na kung hindi naman concern ang palasyo.
Kung mayroon man aniyang korupsyon, dapat na magsampa ng kaso sa korte si Cardema laban kay Guanzon.
Kahit naging supporter pa aniya si Cardema ni Pangulong Duterte noong 2016 elections, hindi naging ugali ng palasyo na makisawsaw sa halip ay hinahayaan lamang ang sino man na gumawa ng mga hakbang na sa tingin nila ay tama.
Una rito, sinabi ni Cardema na nanghingi ng pabor si Guanzon para bigyang akreditasyon ang Duterte Youth Partylist Group.
Excerpt: Kung mayroon man aniyang korupsyon, dapat na magsampa ng kaso sa korte si Cardema laban kay Guanzon.