Palasyo, hindi makikielam sa panukala na mandatory autopsy ng bangkay ng EJK victims

Dumistansya ang Palasyo ng Malakanyang sa panukala ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan na gawin nang mandatory ang pagsasagawa ng autopsy sa mga napapatay sa police operation na nasa ilalim ng quistionable circumstances.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na malaya si Pangilinan na gawin o maghain ng mga panukalang batas na sa tingin niya ay makabubuti sa bansa.

Nasa pagpapasya na rin aniya ng mga mambabatas kung susuportahan ang panukala ni Pangilinan.

Iniihain ni Pangilinan ang panukalang batas na gawing mandatory ang pag autopsy sa mga napapatay sa police operation kasabay ng anibersaryo ng kamatayan ni Kian delos Santos, ang batang sinadyang patayin ng mga pulis sa caloocan city.

Hindi aniya makikiaalam ang ehekutibo sa gawain ng sangay ng lehislatura.

Read more...