Autopsy sa mga bangkay ng EJK victims, muling isinusulong

Itinutulak ni Senator Francis Pangilinan ang mandatory autopsy para sa mga naging biktima ng diumano’y extra judicial killings (EJK) sa bansa.

Kasunog ito ng paggunita sa anibersaryo ng pagkakapaslang sa binatilyong si Kian delos Santos.

Sa kasalukuyan, pinapayagan lamang na maisailalim sa autopsy ang mga bangkay na hindi malinaw ang dahilan ng pagkamatay.

Kung makakalusot ang panukala ni Pangilinan, magiging batas ito na magmamandato na isalalim sa autopsy ang katawan ng nasawi kahit pa tumutol ang pamilya.

Ayon sa senador, layunin ng panukala na makatulong sa imbestigasyon ng tumataas na bilang ng pagpatay simula noong 2017.

Una ng isinulong ito ni Pangilinan noong 2017.

Kabilang sa mga dahilan para isailalim sa autopsy ang isang bangkay ay kung nasawi sa krimen, hindi maipaliwanag ang dahilan, kung hindi pa nakikilala ang indibiwal, pagkasawi sa loob ng kulungan o kung nasa kustodiya ng pulisya.

Read more...