Malakanyang: Chinese warship na dumadaan sa Sibutu Strait, irritant na rin

Naiirita na rin ang Palasyo ng Malakanyang sa paulit-ulit na ginagawa ng China na panay ang daan sa Sibutu Strait sa Tawi-Tawi ng Chinese Navy nang walang paalam sa pamahalaan ng Pilipinas.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na sang-ayon ang palasyo sa pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na irritant na ang ginagawa ng china.

Ayon kay Panelo, nakapipika kung paulit-ulit na ang ginagawa ng China.
Hindi aniya gawain ng dalawang magkaibigan ang inaasal ngayon ng China.

Sinabi pa ni Panelo na maaring paglabag sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang ginagawa ng China.

Sa ngayon, sinabi ni Panelo na maaring maghain ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China.

“I agree with Secretary Lorenza, it’s becoming an irritant if you keep on repeating certain act that maybe viewed be in violation of UNCLOS and not an act of friendship between two countries.”

Read more...