Sa kabila ito ng hindi pagtanggap ng CAAP board at hindi pagdaan sa tamang selection process.
Batay sa ulat ng COA, bumili ang CAAP ng Zenith insurance plan sa United Coconut Planters Life Assurance Corp. (Cocolife).
Ang plan na ito ay isang investment-linked na produkto na sabayang nagbibigay ng insurance habang ini-invest ang pera sa mutual funds o unit investment funfs.
Iginiit ng CAAP na walang tumutol sa mga board member nang ipresenta ang planong pagbili sa mga insurance plans kung kaya’t itinuloy ito.
Depensa ng COA, walang inilabas na resolution ang board kaya ikinokonsidera itong walang approval ng mga miyembro.
Pinayuhan naman ng COA na bawiin ang kabuuang halaga na ibinayad sa Cocolife at mag-invest sa ibang ahensya ng gobyerno kung saan malaki ang balik.
Hinikayat din ng COA na bumuo ang CAAP ng isang investment committee na tututok sa mga ganitong uri ng usapin.