Pangulong Duterte, maayos ang kalagayan—Malakanyang

Siniguro ng Palasyo ng Malakanyang na maayos ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte at abala lang sa trabaho kung kaya’t hindi masyadong lumalabas sa publiko simula noong August 9.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvadro Panelo, nakausap niya ang pangulo at marami lang aniyang inaasikaso ang pangulo kabilang na dito ang ilang mga pulong at courtesy calls.

Tambak din aniya ang mga dokumentong tinitignan ng pangulo dahil binubusisi ng maigi.

Kung hindi man aniya mabuti ang lagay ni Pangulong Duterte, ang presidente mismo ang magsasabi nito sa publiko.

Read more...