Northern at Central Luzon, uulanin dahil sa Habagat—PAGASA

Walang na nakikitang masamang lagay ng panahon ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) pero dahil sa habagat uulanin ang western sections ng Northern at Central Luzon.

Makararanas ang Batanes at Babuyan Group of Islands ng maulap na may kasamang kalat-kalat ng pagulan at thunderstorms dahil sa habagat.

Sa Metro Manila naman at ang iba pang natitirang bahagi ng bansa, mararamdaman ang bahagya hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pagbuhos ng ulan dahil sa localized thunderstorms.

Iiral ang katamtaman hanggang sa malakas na hangin patungo sa direksyong timog-kanluran ng Luzon na mag dudulot sa karagatan nito ng katamtaman hanggang sa malalakas na alon.

Habang ang natitirang bahagi ng bansa ay makararanas ng mahina hanggang sa katamtaman na hanging patungo sa direksyon ng timog hanggang timog-kanluran.

Ang mga costal area naman ay magkakaron ng mula sa bahagya hanggang sa katamtamang taas ng mga alon.

Read more...