Ani Año, para sa lahat ng pamahalaang lokal ang kautusan kasama ang mga pampamahalaan o pribadong gusali.
Sinabi ito ng kalihimn matapos ang demolisyon ng isang barangay hall at police traffic station sa Quezon City.
Ayon kay Año, makatutulong ang pagbawi sa mga pampublikong kalsada sa pagpapabuti ng daloy ng trapiko sa kalakhang Maynila at ilang bahagi ng bansa.
Dagdag pa niya, ginawa nag mga batas para mapabuti ang pamumuhay
ng mga tao, para sa bayan, at walang halong anuman pulitika.
Tiniyak naman niya sa publiko na ipagpapatuloy ang mga paglilinis hanggang sa mapagtagumpayan ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbawi sa mga pampublikong lansangan, hindi lamang dito sa Metro Manila kundi maging sa buong bansa.