No. 6 most wanted person sa Baco, Oriental Mindoro arestado

PRO MIMAROPA

Naaresto ang pang anim na most wanted person sa Baco, Oriental Mindoro matapos ang ginawang operasyon ng mga otoridad laban sa suspek Sabado ng hapon.

Nakilala ang suspek na si Ernie Azicate, 38 anyos at nakatira sa Barangay Tagapo, Sta. Rosa, Laguna.

Ayon sa pulisya, si Azicate ay may warrant of arrest sa kasong rape.

Arestado ang suspek sa ginawang follow-up operation ng pinagsanib na pwersa ng Baco at Laguna Police.

Nakakulong na ang suspek sa Baco Police Station, Oriental Mindoro at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o kasong rape.

 

Read more...